Mga Tip sa Kahusayan sa Paggamit sa Enerhiya

  • shutterstock_37825696Maglagay ng programmable thermostat na makakatulong na awtomatikong ayusin ang temperatura sa bahay para sa kontrol ng kaginhawahan at mga pagtitipid sa enerhiya.
  • Sa araw, buksan ang iyong mga kurtina at mga lilim, na nagpapahintulot sa araw na painitin ang iyong bahay at isara sila sa gabi para mabawasan ang halaga ng init na mawawala.
  • Isara ang lahat ng lagusan ng hangin at init sa mga kuwartong hindi ginagamit.
  • Linisin o palitan ang mga furnace filter na naaayon sa rekomendayon ng tagagawa.  Makakatipid ng hanggang 2% ng inyong gastos sa pampainit sa simpleng paglilinis o pagpapalit.
  • Lagyan ng insulasyon ang pader at attic at i-weatherstrip o pikpikin ang mga pinto at bintana na “may tagas.”
  • Isara ng mahigpit ang fireplace damper kung hindi ginagamit.
  • Ilagay sa “normal” setting o 120 degrees maliban kung kinakailangan ng inyong dishwasher  ng mas mataas na setting.
  • Lagyan ng water heater blanket, at gamitan ng insulasyon ang mga tubo ng tubig na mula sa hot water heater.
  • Magluto ng maayos: gumamit ng tamang sukat ng mga kaldero at kawali at painitin lamang  ng pauna ang pugon kung kinakailangan.
  • Maglagay ng mga low-flow showerhead at faucet aerator.  Makakatipid sila ng 5+ na galon ng tubig/araw at mapapababa ang gastos sa pampainit.
  • Iklian ang panahon ng pagligo.
  • Maghugas lamang ng puno ang karga ng inyong dishwasher at clothes washer.
  • Maghanap ng mga modelong mahusay sa paggamit sa enerhiya na may tatak na ENERGY STAR® at mas mataas na (EF) na antas kung magpapalit ng mga clothes washer, mga dishwasher  at mga water heater, atbp. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Proyektong Pagtitipid sa Enerhiya ng PACE sa (800) 716-2218.

Mga Pinagmulan:  Southern California Gas Company at Estado ng California, Community Services and Development